Para Tayong Jazz

Para tayong Jazz.

alam mo ba na ang musikang ito e medyo kumplikado?
Iba- iba ang kumpas ng bawat instrumento
Aakalain mo ay para lang nanggugulo
Pero kung iyong mas diringgin,
musika ang dala nito.

Para talaga tayong Jazz. Naks.

Bakit? Alam mo ba?
Maraming nagsasabing mukhang di raw tayo tugma.
Contemporary ako at classical ka.
Pero sino nga naman ba ang dalwang taong tunay na tugma?
Kung laging eksakto at walang filler, di mo maeenjoy ang
takbo ng musika.

Para nga talaga tayong Jazz. Ang lupet!

Kahit di tayo pilit ipagsama,
sa kalaunan ay hapit na hapit.
Sa malayong pakikinig parang sumasabit
Ngunit habang tumatagal, gumagandang tunog lalo
na sa malapit.

Para tayong Jazz... saksakan ng ganda sa tenga.

May ritmo mang parang bitin pero yon nga
ang masaya.
Laging may puwang ang pagpasok ng mga bagong
ideya. Freeflow ka at freeverse ang melodiya.

Kasi sa katapus- tapusan,
ang ating ginagawa ay musika.

Tuesday, March 22, 2011

silence does not say it all

when you do not talk to me, i can feel the tension brewing
but i am not sure...if it is because of me or it has
something to do with something else.

your silence cannot say what you mean by being mute.
i just can't fathom how you ended up being still...
when we are together.

your silence cannot tell me what to do.
so what should i do?
i cannot deny that i am trying to understand something
about you that i just couldn't.

it cannot say anything about what lies ahead.
it cannot say anything about what is underneath.
it cannot tell me why you are silent at all.
it doesn't say anything...
it means something but,
it is not helping at all.

Tuesday, November 16, 2010

isaw sa kanto

madaming beses na akong tumambay sa may kanto ng rizal park sa sorsogon hindi dahil sa ang ganda ng park kundi dahil dito ko natagpuan ang isang bagay na maaari kong kahumalingan habang buhay--- ang isaw.

uy sarap! lalo na pag kasama ko ang tropa ko o kahit si mommy nga rin lang mismo, talagang napapatambay talaga ako. animo pag nagsimula na akong pumili ng pinakamatabang isaw na tipong naka tuhog sa stick, alam ko na, ito yong may pinakamaraming ebak ng manok. hahay! keber! masarap talaga ang isaw.

sa unang kagat pa lang, lasap ko na ang kaligayahan. OA no? pero ewan ko ba! napapangiti na lang ako kasi alam ko yong kinakain ko may halong feces. syempre habang kumakain ako, may kakwentuhan ako. pangit naman yong kumakain ako ng solo. kung mag- isa man akong pumunta ng rizal park, e di chinichika ko yong tindera o kaya yong boy nya na nagpapapaypay ng mga "pre- cooked" na mga dugo, atay, balunbalunan, maskara at syempre mawawala ba ang all time favorite ng lahat...ang BBQ?!

pero medyo mahal ang BBQ e kaya nga ang pinaka murang paraan para maging masaya e ang kumain ako ng isaw.


sa pagkain ko ng isaw, natutunan ko rin na simple lang pala ang maging maligaya. hindi mo kailangan ng caviar, o kaya ng venison meat para masabing nakakain ka na ng pagkaing kikiliti sa panlasa mo. oo, aminado ako, healthy ang ibang pagkain kesa sa isaw (may ebak nga naman kasi ng hayop) pero ang isaw, staple food na ng mga tambay! hahahaha.


hindi ako umiinom ng alak pero alam kong masarap rin ang isaw sa pulutan. kasi malapit- lapit na ang lasa nito sa utak ng baboy na inadobo (nakakain na ba kayo non?). trip rin ito ng mga college students na, syempre, nagtitipid sa pamasahe pero gustong gumimik kasama ng barkada bago umuwi. kaya ang bagsakan nila, isawan!


nadiskubre ko rin sa pagkain ko ng isaw, na ang buhay pala hindi kelangan gawing kumplikado. na kahit pala laman loob ng hayop pwedeng pagkakitaan... na ang pinoy e resourceful talaga... na kahit pala nakabalot na tae ng hayop e maari ring pagkakitaan at maging "source of joy."


saan ba papunta ang sulat kong ito? hahaha. ewan. basta ang alam ko, masarap ang isaw. at katumbas nito ang isang simpleng taong tulad ko na kayang paligayahin ng tres pesos na binalot na tae sa kanto.


looking forward na ako sa pagtambay ko mamaya.